Advertisement

MOST INSPIRING LETTER TO MILLENNIAL STUDENTS (TAGALOG 2019)

MOST INSPIRING LETTER TO MILLENNIAL STUDENTS (TAGALOG 2019) If you want to follow us on facebook, you can visit:

PREVIOUS UPLOADS:
PAANO MALALAMPASAN ANG STRESS:


ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG BUHAY


MOST INSPIRING LETTER TO MILLENNIAL STUDENTS (TAGALOG 2019)
Sa aking Estudyante,
Aking napagtanto na hindi sa taas ng degree ang natapos o medalyang natanggap ang kailangan ng ko kundi isang pusong kayang umunawa sa buhay mo .Huwag sanang magrebelde o isipin na pinaparusahan kita kung sakaling ikaw ay napagalitan o nasigawan dahil sa iyong kalokohan. Huwag rin isipin na ako ay masama dahil hangad ko lang ang iyong kabutihan. Ayokong makita ka na nasisira ang iyong buhay at alam ko sa pagsita ko sa iyo ay diyan ka matututo. Hindi ko maatim na hahayaan ka nalang na hindi ka nag-aaral, palaging tumatakas at gumagawa ng mga hindi kanais nais na gawain dahil wala kang pupuntahan kapag ipinagpatuloy mo iyan. Kailan ka ba matatauhan? Kailan mo mapagtatanto na ikaw ang pag-asa ng bayan? Alam mo ba kung saan ako takot? Hindi sa parusa na matatanggap ko kapag tinuwid kita kundi ang makita ka na napapariwara dahil hindi kita itinuwid. Kung sa pagtututwid ko sa iyo ay kinaiinisan mo ako, okay lang iyon sa akin, basta alam ko ginawa ko ang lahat ng makakaya ko maitama lang ang iyong buhay. Alam mo ba, naranasan ko rin ang naging kabataan at ako’y sumunod sa mga payo ng aking guro at ngayon heto na ako, isang guro kaya ikaw ay naiintindihan ko pero ikaw hindi mo PA naRAranasan maging guro kayA hindi mo ako naiintindihan. Napaka-unfair mo dahil alam mo na kahit anong gawin mo ay iintindihin kita at hindi kita itatakwil, pero ako bilang guro mo kaya mo akong itakwil? Kaya kong i-absorb at makinig sa iyong problema at ika’y gagabayan sa lahat ng oras. Pero hindi mo alam ang aking problema ay mas malala pa sa iyong problema at ito’y kinakaya ko lahat dahil kapag ako’y sumuko ay wala nang silbi ang lahat ng ginawa ko para sa iyo. Ang pagsasalita mo minsan ng pabalang sa akin ay nakakapagdulot ng kirot sa aking puso. Kahit gusto kitang saktan para maramdaman mo ang sakit na iyon pero iniisip ko ang aking propesyon kaya ipinapasa Diyos nalang lahat. Tao din ako na may damdamin at napapagod. Napupuno din na parang bulkan na sasabog. Gusto ko isigaw at isiksik sa utak mo: Tama na, sumusobra ka na. Hindi rin ako robot na lahat ay pwede mong gawin sa akin. Ako ay may prinsipyo at may dignidid, huwag mo sanang kunin ito sa akin. Hindi tayo magkaaway pero madalas magkasalungat ang ating isipan dahil madalas hindi mo naiintindihan ang aking motibo. Di ba mas masarap isipin na isa ako sa iyong gabay sa pagtupad ng iyong pangarap. Paano mo kaya mapagtatagumpayan ang iyong pangarap kung mga simpleng bagay ay hindi mo kayang gawin o hindi ka sumusunod?Hindi tayo magkadugo pero labis ang pag-ibig ko sa iyo. Mahal ko ang bayan na ito kaya ko inumpisahan ko na mahalin ka. Hiling ko lang naman sa iyo, respetuhin mo ako, ibang tao, iyong sarili at ayusin mo ang iyong pag-aaral at ang iyong buhay. Mahirap bang gawin iyon? Ako’y nagsasakripisyo upang mapagtanto mo ang iyong halaga at gawin ang nararapat na gawin. Ako’y naging doctor o nars noong ikaw ay napaaway; sugatan ka at ang dami mong bukol dahil umiral ang init ng ulo mo. Naaalala mo pa ba noong nag-away ang iyong magulang, hindi mo alam ang gagawin mo at umiyak ka lang ng umiyak, at feeling ko noon ako’y isang psychologist at guidance councelor. Marami pang mga sitwasyon na aking ginawa sa iyo na sUmisimbolo ng ginagawa ng ibang propesyon gaya ng: driver, engineer o architect, naturalist, pulis, electrician, carpenter painter at higit sa lahat ako’y naging magulang mo kahit hindi ako ang tunay mong magulang. Ikaw at ako ay biktima lamang ng lipunang umiiral. Tumigas ang iyong ulo dulot ng iyong kapaligiran. Ikaw lamang ang nabigyan ng boses samantalang ako, wala na. Ako’y minsan natatakot dahil isiniksik at minulat sa aking isipan ang kahihinatnan kapag nasigawan, nasaktan at dinisiplina kita. Anupat ako’y isang guro, hindi naman kita pwedeng disiplinahin. Nawa’y hiling ko lang sa iyo na sa paglipas ng panahon, masasabi mo parin sa iyong sarili, ikaw ang pag-asa ng bayan at hindi problema ng bayan. Gamitin mo ang aking ilaw upang liliwanag ang madilim mong buhay kahit na ang aking ilaw ay maubos, lumiwanag lang ang iyong hinaharap at kinabukasan, ito’y aking tatanggapin. At nawa’y sa ating paghihiwalay ng landas ay masasabi ko na ikaw ay handa nang humarap sa anumang hamon ng buhay. Hindi ko hinahangad na akoy pasalamatan, hangad ko lang ay magiging matagumpay ka sa pinili mong landas. At sa akin, naway tatagal pa ang aking ilaw na taglay ko na iindap indap upang marami pang mag-aaral ang maiilawan. At sa pagtatapos ng araw at taon, hindi tao ang huhusga sa lahat ng ginawa ko sa iyo kundi ang Diyos na may lalang.

Nagmamahal,
Ang iyong guro

MOST INSPIRING LETTER TO MILLENNIAL STUDENTS (TAGALOG-2019),MOST INSPIRING LETTER TO MILLENNIAL STUDENTS,MOST INSPRING LETTER TO STUDENTS,MOST INSPIRING LETTER TO MILLENNIALS,MOST INSPIRING LETTER,MOST INSPIRING,LETTER TO MILLENNIALS,LETTER TO STUDENTS,LETTER,INSPIRING LETTER,

Post a Comment

0 Comments